
Pinasusuri ni Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang patakaran sa pag-accredit ng mga kontratista ng mga infrastructure projects.
Napansin ng senador na tinitingnan lamang ng ahensya ang net financial contracting capacity ng construction company o ang idinedeklarang kakayanan na gumawa ng proyekto pero ang sapat na kapital para gumawa ng proyekto ay hindi naman tinitingnan.
Sinabi ni Gatchalian na kapag kulang sa kakayanan ang contractors, nagiging mababa ang kalidad ng proyekto.
Iginiit din ni Gatchalian na dapat maipatigil ang nangyayaring subcontracting kung saan ipinagagawa sa iba ang proyektong nakuha ng kontratista.
Kung malilinis ang accreditation ay masisiguro ang integridad ng mga kontratista at ng mga proyekto na kanilang gagawin.









