Maghihigpit ang Commission on Elections (Comelec) sa pag-accredit ng party-list groups sa May 2022 elections.
Ayon kay Comelec Chairperson Sheriff Abas, bubusisiin nila ang kanilang application.
Aniya, hindi na basta-basta ang pagbibigay ng accreditations.
Kadalasan, aabot lamang sa 20-porsyento ng party-list applicants ang kanilang inaaprubahan.
Dagdag pa ni Abas, binawi nila ang accreditation ng nasa 39 na party-list groups.
Noong nakaraang halalan, aabot sa 160 party-list groups ang in-accredit ng poll body pero 39 dito ang delisted dahil bigo nilang naabot ang halos dalawang porsyento ng boto para sa party-list system, bigong makakuha ng pwesto sa ikalawang round ng seat allocation sa dalawang nagdaang halalan, at bigong makilahok sa dalawang nagdaang eleksyon.
Ang paghahain ng Certificate of Candidacy para sa May 2022 elections ay magsisimula sa October 1 hanggang 8, 2021.