Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan na i-adopt at ipatupad ang National Competition Policy (NPC).
Ang NPC ay isang polisiya na layong magkaroon ng supportive economic environment ang Pilipinas, pagyabungin ang kultura, at tuldukan ang pagkakaroon ng economic concentration.
Sa ganitong paraan ay inaasahang makakahatak ng mas maraming mamumuhunan sa bansa.
Sa ilalim ng Administrative Order no. 44, inatasan ang lahat ng ahensya ng pamahalaan, mga departamento, bureau, at GOCCs, maging ang mga lokal na pamahalaan na i-adopt ang polisiyang ito.
Pirmado ni Pangulong Duterte ang kautusan ika-20 ng Oktubre, 2021.
Facebook Comments