Manila, Philippines – Ikinatuwa ni House Speaker Gloria Arroyo ang ginawang pag-adopt ng maraming bansa sa Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF).
Ang PDRF ay isang organisasyon na nilikha resulta ng Executive Order (EO) na inisyu ni Arroyo noong presidente pa siya ng bansa.
Ayon kay Arroyo, nagagalak siya na nagagampanan ng PDRF ang ‘purpose’ nito para sa mabilis na pagresponde sa anumang uri ng kalamidad.
Kinilala ng Speaker ang dedikasyon at commitment ng private sector para matiyak na mas handa ang bansa sa kalamidad.
Ang PDRF ngayon ang major private sector vehicle at coordinator para sa disaster management, preparedness, relief at response efforts.
Facebook Comments