Pag-adopt ng Kamara sa bersyon ng Senado ng Maharlika Investment Fund Bill, binatikos ng ACT Teachers Party-list

Labis na ikinadismaya ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang pag-adopt ng Kamara sa bersyon ng Senado ng Maharlika Investment Fund o MIF Bill.

Batikos ni Castro, nawalan ng saysay ang debate at mga ammendments na ipinasok nilang mga kongresista sa MIF Bill dahil ang sinusunod pa din umano ay ang gusto ng Palasyo.

Bunsod nito ay iginiit ni Castro na hindi masisisi ang taumbayan sa pagsasabing “rubber stamp” nga ng Malacanang ang Kongreso.


Tahasan pang tinawag ni Castro na Maharlika Investment Scam ang Maharlika Investment Fund Bill.

Para kay Castro, hindi mareresolba ng mga pagbabago sa Senate version ng MIF ang katotohanan na walang surplus na pera ang bansa.

Bunsod nito ay hindi aniya uubra na ang malaking bahagi ng pondo para sa MIF ay magmumula sa gobyerno gayundin sa mga government owned and controlled corporation at government financial institutions.

Facebook Comments