Magsisilbing “last option” ang pag-ako ng gobyerno sa water distribution sa Metro Manila.
Ito ang iginiit ni Justice Sec. Menardo Guevarra kasabay ng pagsusulong ng bagong Concession Agreements sa Maynilad at Manila Water.
Ayon kay Guevarra, ang mga bagong kontrata sa Maynilad at Manila Water ay hindi sapilitang ipapataw sa kanila.
Aniya, bibigyan pa rin ang mga ito ng pagkakataong magkomento sa proposed amendments sa isang open at public discussion.
Matatandaang nagbanta si Pangulong Duterte na ite-take over ng pamahalaan ang paghahatid ng supply ng tubig kapag hindi nilagdaan ng water concessionaires ang bagong kontrata.
Sa ilalim ng bagong kontrata, inalis ang mga probisyong magiging dehado sa gobyerno.
Facebook Comments