Manila, Philippines – Hindi totoo at propaganda lamang ang pahayag ng teroristang Islamic State in Iraq and Syria o ISIS na sila ang may gawa ng pagpapasabog sa Jolo, Sulu Kahapon.
Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo matagal na nilang ginagawa ang pag ako sa isang insidente kahit hindi naman sila responsable para lang maipakitang malakas ang kanilang pwersa.
Inihalimbawa ni Arevalo Ang nangyaring pagsabog sa Resorts World na inako rin ng ISIS.
Unang nang sinabi ni AFP Western Mindanao Command Spokesperson Lt. Col. Gerry Besana na Ajang Ajang group ng abu sayyaf ang kanilang suspek sa pagpapasabog sa Jolo, Sulu kahapon.
Inisyal na motibo aniya nilang nakikita sa ginawang pagpapasabog ng mga ito ay dahil sa paghihiganti matapos na mapatay sa operasyon ng militar noong nakalipas na taon ang kanilang sub-leader.