Contingency plan ng World Health Organization (WHO), humanitarian partners at iba pang un agencies at para harapin ang COVID-19
Nasa tamang direksyon umano ang gobyerno sa ipinapakita nitong pagharap sa banta ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang pahayag ng WHO, humanitarian partners at iba pang un agencies kasabay sa kabila pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng sakit sa mega manila.
Ayon kay Dr. Gerardo Medina Technical Officer ng World Health Organization, ang full support at maagap na aksyon ng Duterte administration ay isang bagay na maaring maging dahilan ng hindi na humantong pa sa worst case scenario ang virus outbreak.
Gayunpaman kailangan pa rin aniya dito ang kooperasyon at ibayong suporta ng publiko.
At dahil bago lamang ang COVID-19, aminado si Dr. Medina na hindi pa malinaw sa ngayon kung gaano katagal bago ito tuluyang makontrol sa pagkalat.