Pag-akto ni VP Sara bilang abogado ng kanyang chief of staff, labag umano sa konstitusyon

Iginiit ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman at Manila 3rd District Representative Joel Chua na labag sa konstitusyon ang pag-akto ni Vice President Sara Duterte bilang abogado ng kanyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez.

Sabado ng madaling araw nang magpakilala si VP Duterte bilang legal counsel ni Lopez at tutulan na maipatupad ang utos ng komite na mailipat ito sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City mula sa detention facility ng Kamara.

Ayon kay Chua, pinagbabawalan ng ating Saligang-Batas na pangulo, ikalawang pangulo at mga miyembro ng gabinete na i-practice ang kanilang profession habang sila ay nakaupo sa nabanggit na mga posisyon.


Si Lopez ay nakaditine sa Kamara matapos patawan ng contempt ng Komite dahil sa umano’y tangkang pakikialam sa pagdinig ukol sa kwestyunableng paggastos ng nasa kabuuang ₱612.5 million na confidential funds ng OVP at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara.

Facebook Comments