Pag-akyat ng Pilipinas sa COVID-19 recovery rankings ng Nikkei, ikinatuwa ng NTF-against COVID-19

Ikinatuwa ni National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa ang latest na COVID-19 recovery rankings na inilabas ng Tokyo-based news magazine na Nikkei asia.

Batay sa rankings ng Nikkei, nasa ika-57 na tayo ngayon mula sa pang-103 noong Oktubre pagdating sa COVID-19 recovery rankings.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Herbosa na mas kapani-paniwala ito kumpara sa rankings ng bloomberg kung saan nangulelat ang Pilipinas pagdating sa COVID-19 response.


Ipinaliwanag ni Herbosa na ‘bulok’ na ang mga datos ng Bloomberg at ang ginamit dito ay noon pang panahon na mataas ang mga naiitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Matatandaang pang-53 ang Pilipinas pagdating sa global COVID-19 resilience ranking ng Bloomberg sa ikatlong magkakasunod na buwan.

Facebook Comments