Manila, Philippines – Gugunitain ngayong araw ang ika-76 na taon ng ‘Araw ng Kagitingan’.
Gaganapin ito sa Mount Samat Shrine sa bayan ng Pilar, Bataan ganap na alas-9:00 ng umaga.
Pangungunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang wreath laying ceremony kasama si Japanese Ambassador to the Philippine Koji Haneda, charge d’ affaires ng United States Embassy na si Michael Klecheski.
Inaasahang magbibigay ng mensahe sina Bataan Governor Abet Garcia at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Dr. Rene Escalante.
Hindi makakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa seremonya bunsod ng kanyang nakatakdang schedule patungong Hainan, China para sa Boao forum.
Facebook Comments