Ipinagdiriwang ngayong araw, May 28 ang National Flag Day o Pambansang Araw ng Watawat kung saan mapapansing hitik sa watawat ang kahabaan ng Roxas Boulevard mula Paranaque, Pasay, lungsod ng Maynila maging sa Makati City.
Ngayon araw ginugunita ang ika 120th National Flag Day, na itinuturing na pambansang simbolo na unang iwinagayway matapos matalo ng Philippine Revolutionary Army ang Spanish Forces sa Battle of Alapan sa Imus Cavite noong, 1898.
Noong May 23, 1994, inilabas ang executive order no.179, na pinalalawig ang panahon ng pagdiriwang ng National Flag Day mula May 28 hanggang June 12 o ang Philippine Declaration of Independence mula sa Spain.
Lahat ng Filipino ay hinihimok na mag lagay ng Philippine Flag sa lahat ng tanggapan mapa gobyerno man o pribado, business establishments, paaralan, pribadong mga tahanan maging sa mga sasakyan.