Pag-alala sa buhay ng mga mahal na yumao, isa sa mensahe nina PBBM at VP Sara Duterte

Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang publiko na pagnilayan at balikan ang mga aral na iniwan ng ating mga yumaong mahal sa buhay ngayong Araw ng mga Kaluluwa (All Souls’ Day).

Sinabi ni Pangulong Marcos na ngayong All Souls’ Day, ay taimtim nating alalahanin at pasalamatan ang ating mga mahal sa buhay na pumanaw na kasabay din ng pag-alala sa mga aral na kanilang iniwan noong nabubuhay pa.

Samantala, hinikayat naman ni Vice President Sara Duterte ang publiko na alalahanin at ikarangal ang mga alaala ng mga yumaong mahal sa buhay.


Ayon kay VP Sara, siya ay kaisa sa pananampalataya ng mga Kristiyano at hangad niya na maging daan ang mahalagang araw na ito para magsama-sama ang mga pamilya sa paggunita sa buhay ng pumanaw na at mag-alay ng dasal para sa kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa.

Facebook Comments