Pag-alala sa mga kababayang nahaharap sa matinding hamon sa buhay ang mensahe ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ngayong araw ng Pasko

Huwag nating kalimutan ngayong araw ng Pasko ang ating mga kababayan na nahaharap sa araw-araw na pakikibaka sa buhay.

Ito ang mensahe ni Mayor Joy.Belmonte sa lahat ng mga residente ng Quezon City.

Ani Belmonte, bawat residente ay nahaharap sa ibat ibang hamon sa buhay na nangangailangan ng agarang solusyon.


Ilan dito ang pagnanais ng ating mga kababayan  na makahanap ng trabaho, magkaroon ng sariling bahay, mabigyan ng  financial assistance para sa medical bills.

Aniya, bawat isa ay pwedeng maging intrumento para matupad ang kahilingang Ito.

Ito ang pagsunod sa yapak ni Hesukristo.

Sa halip na magtaglay ng kapangyarihan, yaman at karangalan, mas pinili niya ang kahirapan ,pagpapakumbaba.

At ibinuhos ang panahon sa pagsisilbi.

Facebook Comments