Albay, Philippines – Umapela ang Palasyo ng Malacañang sa mga residente na nasa loob ng 6 kilometer permanent danger zone pati na sa 7 kilometer extended danger zone mula sa bulkang Mayon na lumikas muna dahil sa pagaalburoto ng nasabing bulkan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa ngayon ay mayroon nang nakahandang pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagkakahalaga ng 5.6 million pesos para sa mga residenteng aalis sa kanilang mga tahanan at pansamantalang maninirahan sa mga evacuation centers.
Nabatid na iniakyat ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa alert level 3 ang sitwasyon sa Mayon volcano kung saan aabot na sa kulang kulang 1200 pamilya ang kailangan pang lumikas sa mas ligtas na lugar.