Pag-alis ng ban sa open-pit mining in South Cotabato, binatikos ng isang senador

Mariing kinontra ni Senator Leila de Lima ang pag-alis ng 12-taon ng ipinapatupad na provincial ban sa open-pit mining sa South Cotabato na labis na makakaapekto sa kalikasan at komunidad.

Bunsod nito ay iginiit ni De Lima kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., na ibasura o i-veto ang nabanggit na pag-amyenda ng Provincial Board local environment code para mapahintulutan ang open-pit mining sa lugar.

Ayon kay De Lima, kapag hindi umaksyon si Tamayo sa loob ng 15-araw ay otomatikong magiging batas ang nabanggit na pasya ng provincial board.


Giit ni De Lima, walang sinuman o anumang korporasyon ang may karapatang magsagawa ng pagmimina kung tumututol ang komunidad na mapeperwisyo nito.

Paliwanag ni De Lima, matindi ang negatibong epekto ng open-pit mining sa kalikasan dahil sanhi ito ng polusyon na mananatili sa matagal na panahon kahit pa abandonahin na ang minahan.

Ipinalala din ni De Lima, pinagtibay na din ng Kataas-taasang Hukuman ang karapatan ng mamamayan sa balanse at mabuti sa kalusugan na kapaligiran.

Facebook Comments