Masyado pang maaga para itigil ang pagsuot ng face mask.
Ito ang sinabi ni OCTA Reseach Group Fellow Dr. Guido David kasunod na rin ng pahayag ng pamahalaan na pag-uusapan nila ang posibilidad na unti-untiing tanggalin na ang pagsusuot ng face mask sa Alert Level 0, sakaling hindi na tumaas ang kaso ng COVID-19.
Ayon kay David, para sa kanya ang Alert Level 0 ay walang dapat ipag-iba sa ipinapatupad na restriksyon sa Alert Level 1 kung saan binuksan pa ang ilang negosyo sa bansa.
Giit nito, nandyan pa rin ang banta ng COVID-19 kaya hindi pa rin dapat magpakampante ang pamahalaan at publiko.
Kahapon ay nakapagtala ng 598 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa, mas mababa sa predisyon ng OCTA na nasa 650 new cases.
Sa nasabing bilang, 149 rito ang naitala sa Metro Manila, 90 Calabarzon at 66 sa Western Visayas.