Pag-alis ng floating barrier sa Bajo de Masinloc, consistent sa posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea – DFA

Iginiit ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ang pagtanggal sa floating barrier sa Scarborough Shoal ay consistent sa posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Manalo na karapatan ng Pilipinas na pairalin ang soberensya at sovereign rights.

Sa kabila nito, inamin ng kalihim na pinag-aaralan pa ng DFA kung maghahain ito ng kaso laban sa China sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS).


Una nang inihayag ng DFA na base sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea, may karapatan ang mga mangingisdang Pilipino na mangisda sa Bajo de Masinloc.

Facebook Comments