Pag-alis ng health professional sa ASEAN Region para magtrabaho sa ibang bansa, kailangan tugunan ayon kay PBBM

Dapat na makahanap ng paraan ang Southeast Asian countries para tugunan ang usapin ng rehiyon sa pag-alis ng healthcare workers nito, upang magtrabaho sa mas malalaking bansa.

Isa ito sa mga pinag-usapan ni Pangulong Bongbong sa courtesy call ng mga opisyal ng Temasek Foundation sa Malacañang.

Isa itong non-profit philanthropic arm ng state sovereign fund ng Singapore na sumusuporta sa mga programa at istratehiyang nag-aangat ng buhay at tumutugon sa pangangailangan ng mga komunidad sa Singapore.


Ayon kay Pangulong Marcos, ipinagmamalaki ng Pilipinas ang mga doktor at nurse nito, at ang papel na kanilang ginampanan noong kasagsagan ng pandemya.

Ayon sa pangulo, ito ang dahilan kung bakit kailangang mag-adjust ng gobyerno, at mag-alok ng kaparehong oportunidad na iniaalok din ng mga ibang bansa.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos na kung magagawa ng Singapore na solusyunan ang problemang ito, malaki ang maitutulong nito sa problema ng Southeast Asian region sa healthcare sector.

Facebook Comments