Pag-alis ng martial law sa Mindanao, posibleng irekomenda ni SOJ Aguirre sa Pangulo

Manila, Philippines – Bukas si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa posibilidad na pagrekomenda sa Pangulong Duterte na alisin na ang Martial Law sa buong Mindanao.

Kasunod na rin ito ng pagkakapatay sa mga lider ng Maute-ISIS Group na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.

Gayunman, sinabi ni Aguirre na ang Pangulo pa rin ang makakapagdesisyon dito lalo nat may puwersa pa aniya ng New People’s Army na nanggugulo ngayon sa Mindanao.


Maaari rin aniyang pagbasehan ng Pangulo sa gagawin nitong desisyon ang impormasyon mula sa intelligence community.

Tiniyak din ni Aguirre na tuloy ang paglilitis sa iba pang mga naarestong miyembro ng grupo ng Maute-ISIS group.

Facebook Comments