Manila, Philippines – Ikinadismaya ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia – malaking kawalan ito para sa mga Pilipino.
Aniya, ang unilaterally withdrawal ng bansa mula sa tribunal ay magiging kabaligtaran ng commitment ng bansa sa international treaty obligations.
Itinuturing din ni De Guia ito na pag-atras ng bansa sa pagsusulong ng hustisya at karapatang pantao.
Facebook Comments