Pag-alis ng state of emergency at hindi na pag-obliga sa pagsusuot ng face mask, pinakokonsidera ng isang senador sa IATF

Nanawagan si Senator Koko Pimentel sa Inter-Agency Task Force na pag-aralan kung maari nang alisin ang pagpapatupad ng state of national emergency dahil sa pandemya.

Umaasa si Pimentel na mare-realize ng IATF na hindi na nararamadaman ng mamamayan ang COVID-19 emergency.

Sa tingin ni Pimentel, maari ng hindi maging obligado at gawing boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face mask lalo na sa mga bukas na lugar.


Reaksyon ito ni Pimentel kasunod ng kautusan ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na gawing optional na lang o hindi na sapilitan ang pagsusuot ng face mask kapag nasa labas ng bahay o mga establisyemento.

Facebook Comments