Pag-alis ng temporary ban sa poultry products mula sa ibang mga bansa, nakatulong sa pag-stabilize ng supply ng manok ayon sa Bureau of Animal Industry

Nakatulong sa pag-stabilize ng supply ng manok sa bansa ang pag-aalis ng temporary ban sa poultry products mula sa Spain, Denmark at Czech Republic.

Batay sa Laging Handa public press briefing, ipinaliwanag ni Bureau of Animal Industry (BAI) Director Reildrin Morales na itong mga nabanggit na bansa, partikular ang Spain ay pinagmumulan ng Pilipinas sa genetic material o mga breeder para sa poultry sector.

Malaking tulong aniya ito dahil mula sa grandparent stock na dinadala sa bansa ay magpo-produce ng parent stock ang mga ito na pagmumulan naman ng mga sisiw na palalakihin sa loob ng 40 araw.


Sinabi ng opisyal na ang kailangan naman sa kasalukuyan ay mapagtulungan at maiangat ang produksyon ng poultry sector, nang sa ganoon ay patuloy na makapag-produce ng sariling pagkain ang bansa.

Ang gobyerno rin naman aniya sa ngayon ay nakatutok rin sa pagtugon sa mga hamong kinahaharap ng poultry sector ng bansa.

Facebook Comments