Hindi natuloy ang pag-alis sa bansa ni dating Department of Budget Management (DBM)v-Procurement Service Head Lloyd Christopher Lao papuntang Singapore noong nakaraang buwan matapos na maharang ito ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay Senator Francis Tolentino, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, hindi pinaalis ng Immigration si Lao bunsod na rin ng pananatili ng rekomendasyon ng Senado na huwag itong palabasin ng bansa dahil nahaharap pa si Lao sa imbestigasyon.
Matatandaang hindi pinagbigyan ng Senado ang hiling na clearance ni Lao para matanggal sa lookout bulletin board ng Immigration dahil sa kailangan pa ito sa mga imbestigasyon ng Senado.
Si Lao ay naunang naimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa maanomalyang transaksyon ng nakaraang gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corporation kaugnay sa mga overpiced na face shields at iba pang medical supplies.
Muli na namang sumabit ang pangalan ni Lao sa on going na imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa pagbili ng PS-DBM ng umano’y overpriced na laptops para sa Department of Education (DepEd).