Kinondena ng Defend Jobs PH ang pagtanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kapangyarihan sa isang local government unit (LGU) na mamahagi ng ECQ cash aid.
Ayon sa tagapagsalita ng grupo na si Christian Lloyd Magsoy, pamumulitika ang ginawa ng pangulo na hindi dapat ginagawa sa panahon ng pandemya.
Sa halip, dapat unahin ng administrasyon ay ang paggawa ng konkretong plano at solusyon sa COVID-19 pandemic.
Hindi naman sa wala siyang tiwala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior and Local Government (DILG) pero aniya, mas mapapabilis ang proseso ng pamamahagi ng ayuda kung ipauubaya ito sa LGU.
Naniniwala naman ang grupo na ang lungsod ng Maynila ang pinatutungkulan ni Pangulong Duterte dahil ilang beses na rin aniyang pinasaringan ng pangulo si Mayor Isko.