Pag-alis sa bar exams, magdudulot ng banta sa public interest dahil sa ilang institusyon na diploma factory lamang

Hindi makakatulong ang mungkahi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na alisin na ang board at bar exams kung nais lamang niyang mabawasan ang problema ng bansa.

Ito ang sinabi ni Atty. Domingo Cayosa, dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines kung saan ipinaliwanag niya na kaya may board exam ay upang maprotektahan ang interes ng publiko lalo na’t posibleng ang kalayaan ng isang tao ang nakasalalay dito.

Sa interview ng RMN manila, iginiit ni Cayosa na hindi pwedeng kahit sino ay pwede na pagdating sa mga ganitong propesyon.


Ayon pa kay Cayosa, hindi rin tayo pwedeng umasa lamang sa mga eskwelahan lalo na’t kahit may magagaling na institusyon ay mayroon din aniyang mga nagsisilbing diploma factory.

Facebook Comments