Pag-alis sa boluntaryong pagsusuot ng face shield, ikinatuwa ng publiko

Ikinatuwa ng publiko ang desisyon ng gobyerno na boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face shield sa ilalim ng Alert Level 3, 2 at 1.

Ngayong umaga ay marami pang hindi nakakaalam kaugnay sa kautusan pero sa mga nakakaalam na ay lubos nila itong ikinatuwa.

Bukod kasi sa dagdag gastos ay abala raw ang paggamit ng face shield.


Samantala, ikinagulat naman ng mga nagtitinda ng face shield ang nasabing desisyon lalo’t ito ay biglaan kagabi.

Ayon sa kanila, pipitin na lang nilang maibalik ang puhunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng diskwento sa bibili upang mabawasan ang lugi.

Facebook Comments