Pag-alis sa ilang hinihinging requirements para makapasok sa ibang lugar, ikinabahala ng UP-OCTA Research Group

Nagpahayag ng pagkabahala ang University of the Philippines (UP)-OCTA Research Team sa inaasahang pagluwag ng ilang hinihinging requirements para makapunta sa ibang lugar.

Sa Laging Handa Public Press Briefing, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, dapat pa rin kasing magkaroon ng travel requirements kagaya ng mandatory testing at quarantine para makaiwas sa virus.

Paliwanag ni David, magkakaiba aniya ang estado ng bawat lugar pagdating sa dami ng kaso ng COVID-19.


May posibilidad din aniya na muling magkaroon ng pagtaas ng COVID-19 cases sa mga lugar na mababa o wala nang naiitalang kaso.

Hiling ni David na pag-aralang mabuti ang mga panuntunan para mapigilan ang lalo pang pagkalat ng virus sa bansa.

Matatandaang sa bagong inilabas na guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay hindi na kakailanganin pa na i-quarantine at isailalim sa COVID-19 test ang sinumang pupunta sa ibang lugar.

Pero sa ilalim nito, nakadepende pa rin sa bawat Local Government Unit (LGU) kung hihingan nila ng requirements ang mga indibidwal na papasok sa kanilang lugar.

Facebook Comments