Humihingi ng suporta ang ilang health workers sa pamahalaan na suportahan ang kanilang panawagang alisin na ang patent o intellectual property rights sa mga bakuna at teknolohiya laban sa COVID-19.
Ayon kay Coalition for People’s Right to Health Co-convenor Dr. Joshua San Pedro, tahimik pa rin hanggang ngayon ang gobyerno sa pag-waive sa Trade-Related Aspects of Intellectual Property Rights (TRIPS).
Aniya, sakaling maalis ito, malaki ang posibilidad na magkaroon ng sariling kakayahan ang Pilipinas na mag-produce ng sariling bakuna.
Dagdag pa ni San Pedro, bagama’t nangunguna sa may pinakamaraming bilang ng aprubadong COVID-19 vaccines pero hanggang ngayon ay hirap ang pamahalaan sa pagbabakuna sa ating mga mamamayan.
Nabatid na ang South Africa at India ang unang nagpasa ng proposal na ito sa World Trade Organization para ipanawagan ang pantay na access sa health care at bakuna na sinusuportahan na ng higit 100 bansa sa mundo.