Suportado ni House Speaker Martin Romualdez ang pag-alis ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa state of public health emergency.
Sang-ayon si Romualdez na ito ay napapanahon dahil ganito din ang direksyon ng ibang mga bansa lalo at mayroon na tayong sapat na impormasyon, suplay ng bakuna at gamot, at akmang pangangalaga sa kalusugan para tugunan ang posibleng outbreak ng sakit sa hinaharap.
Paliwanag pa ni Romualdez sa pagtanggal ng public health emergency ay ipinapakita natin sa buong mundo na lubos ng bukas ang ekonomiya ng Pilipinas at handa na sa pakikipag-transaksyon para sa pagnenegosyo at pagpapa-unlad sa sektor ng turismo.
Kaugnay nito ay pinuri at pinasalamatan din ni Romualdez ang mga healthcare workers gayundin ang mamamayang Pilipino sa kooperasyon at disiplinang ipinakita sa pagsunod sa mga lockdown at iba pang patakaran noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.