Pag-alis sa work-from-home arrangement, desisyon na ng employer

67

Desisyon na ng mga employer kung aalisin na ang work-from-home arrangement sa kanilang mga empleyado.

Ito ang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III kasabay ng pagluluwag ng Alert Level System sa Metro Manila.

Ayon kay Bello, tiyak siyang magkakaintindihan naman employer at empleyado.


Pero duda si Employers’ Federation of the Philippines President Sergio Ortiz-Luis sa pagbabalik ng office work.

Paliwanag nito, kailangan kasing isaalang-alang ang transportasyon at espasyo sa opisina lalo na’t kailangang maipatupad ang physical distancing.

Facebook Comments