Nagsasagawa na ngayon nang mas malalim na imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa inamin ng dalawang nahuling drug suspek sa Cebu na sila ay nakikipag-usap sa mga bilanggo para sa bentahan ng droga.
Ayon kay PNP Gen. Guillermo Eleazar, inutos nya na sa Regional Director ng Police Regional Office 7 na imbestigahang mabuti ang insidenteng ito para matukoy kung sino-sino ang kasabwat upang matapos na ang operasyon ng sindikato.
Aniya, patunay ang insidenteng ito na malalim ang operasyon ng iligal na droga sa bansa ngunit hindi titigil ang Pambansang Pulisya para masugpo ang drug transactions.
Batay pa sa ulat ng PNP, ang dalawang nahuling drug suspek ay kinilalang sina Benjie Lupia na 42-anyos at Bryan Osabel, 35-anyos.
Inamin ng dalawa na sila ay nakikipagtransaksyon sa mga inmate sa Cebu City Jail.