Pag-amin ng DND ng pagkukulang, pinuri ni Senator Escudero

Manila, Philippines – Para kay Senator Francis Chiz Escudero, nagpapakita ng pagiging humble o mapagkumbaba ang ginawa ni Defense Secretary Delfin Lorenza na pag amin ng pagkukulang ng pamahalaan kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba ang krisis sa Marawi.

Reaksyon ito ni Escudero sa pahayag ni Lorenzana na minaliit ng pamahalaan ang Maute terror group kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ito lubos na masusupil ng tropa ng pamahalaan.

Sabi ni Escudero, mahalaga ang nasabing pag amin ni Lorenzana ng pagkakamali.


Diin ni Escudero, magagamit ito para sa paghanap ng nararapat na solusyon na tatapos sa gulo sa bahagi ng Mindanao na hanggang ngayon ay nananatiling nasa ilalim ng martial law.

Facebook Comments