Pag-amyenda sa 1987 Constitution, hindi prayoridad ni PBBM

Wala sa prayoridad ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) na amyendahan ang 1987 Constitution.

Sa panayam ng Philippine Media Delegation kay Pangulong Marcos habang pauwi sa Pilipinas mula sa Japan, sinabi nito na maraming kailangang gawin kesa atupagin ang pagbabago ng Konstitusyon.

Marami aniyang mas mahahalagang usapin ang dapat na unahin.


“It’s not a priority for me because maraming ibang kailangang gawin eh. Maraming kailangan – there are so many different – there are so many other things that we need to do first that we can still – we can achieve kung makukuha naman natin ‘yung gusto but within the present – the present constitutional – the way the constitution is written.” – PBBM

Paliwanag ng pangulo, kaya napag-uusapan ang pagbabago ng Konstitusyon dahil sa usaping pang-eknomiya.

Nagiging sagabal kasi aniya ang ilang economic provision lalo ang mga issue may kinalaman sa ownership, appropriation at ownership.

“So we – I think the attempt is – the reason that it’s being talked about is because of the economic provisions. Gusto nga natin magkaroon ng investment kung minsan sagabal ‘yun. Alam naman ninyo ‘yung mga issue diyan, ‘yung mga ownership, appropriation, ownership ‘yung mga ganoon. But for me, lahat itong mga pinag-usapan kaya nating gawin na hindi palitan ang Saligang Batas.” – PBBM

Nagtungo ang pangulo sa Japan para hikayatin ang mga Japanese businessmen na maglagak ng negosyo sa bansa.

Ibinida ng pangulo ang liberation reforms sa foreign investment.

Facebook Comments