Pag-amyenda sa Agriculture Tariff Act, VAT refund sa mga non-resident tourist, at Basic Education Mental Health Act, pirmado na bilang batas

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tatlong panukalang batas na malaki ang kapakinabangan sa sektor ng agrikultura, turismo, at edukasyon.

Ito ang Amendments to the Agriculture Tariffication Act, Vat Refund for Non-resident Tourists, at Basic Education Mental Health and Well-being Promotion Act.

Sa ilalim ng RA No. 12078 o Amendments to the Agriculture Tariffication Act, ay inamyendahan ang Rice Competitiveness Enhancement Fun (RCEF) sa anim na taon at tinaasan din ang budget nito sa P30 billion.


Layon nitong palakasin ang Philippine rice industry, higpitan ang regulasyon sa pagtaas ng bigas, at maging matatag ang presyo nito.

Ang RA No. 12079 o ang VAT Refund for Non-Resident Tourists naman ay naglalayong bigyan ng karapatang makapag-refund ng binayarang VAT sa mga produktong binili sa Pilipinas na nasa higit P3,000, ang mga dayuhang turista na hindi residente ng bansa para makatulong sa pagtaas ng tourism spending at MSME’s.

Samantala, ang RA No. 12080 o Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act naman ay naglalayong isulong ang mental health sa mga paaralan sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga counselor positions at paglulunsad ng komprehensibong mental health programs.

Facebook Comments