Saturday, January 31, 2026

Pag-amyenda sa Bank Secrecy Law, tinalakay na sa plenaryo

Binigyang-diin ni Senator Joel Villanueva na napapanahon na ang pag-amyenda sa umiiral na Bank Secrecy Law.

Sa kanyang sponsorship speech para sa Senate Bill No. 1728, o ang Banking Reform for Integrity, Good Governance, Honesty and Transparency o BRIGHT Act, binigyang-diin ni Villanueva na ang Pilipinas na lamang ang may pinakamahigpit na batas pagdating sa banking industry dahil sa Bank Secrecy Law.

Ayon sa senador, maganda ang layunin ng batas upang maprotektahan ang mga naglalagak ng kanilang salapi sa mga bangko.

Subalit sa paglipas ng panahon, nagamit umano ang batas bilang sangkalan ng ilang nasasangkot sa katiwalian, kaya’t hindi masilip ng mga kaukulang ahensya at maging ng Kongreso ang kanilang mga bank account.

Nagbabala si Villanueva na sa bawat taong hindi naa-update ang Bank Secrecy Law, mas nalalagay sa panganib ang bansa na muling mapasama sa gray list ng Financial Action Task Force (FATF), at ang higit na naaapektuhan ay ang mga ordinaryong mamamayan.

Facebook Comments