Ayon kay Senate President Tito Sotto III, matagal nang may armas ang mga sibilyan.
Sa tingin ni SP Sotto, ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte ay luwagan pa ng Philippine National Police (PNP) ang proseso ng paglilisensya sa mga armas.
Pero diin ni SP Sotto, kailangang amyendahan muna ang batas para ito ay maisagawa.
Paliwanag ni SP Sotto, hindi uubra na mag-isyu lang ng executive order ang ehekutibo para maluwagan ang paglilisensya sa baril.
Pahayag ito ni SP Sotto kaugnay sa suhestyon ni Pangulong Duterte na armasan ang civilian organizations na kapartner ng pulisya sa paglaban sa krimen.
Facebook Comments