Pag-amyenda sa command responsibility doctrine pinag-aaralan na ng DILG at NAPOLCOM

Idudulog ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos sa Philippine National Police (PNP) at National Police Commission (NAPOLCOM) ang pag-amyenda sa command responsibility doctrine.

Sa press conference ni Sec. Abalos sa Kampo Krame kasama ang PNP Command Group, sinabi nitong nais niyang mas maging flexible ang naturang doktrina kung saan hindi na kailangan pang hintayin ng PNP chief na maka-tatlong strike ang isang commander bago ito sibakin at mapanagot sa command responsibility.

Ani Abalos, dapat depende sa ito sa kaso at sa bigat ng impak nito sa lipunan.


Samantala, nangako rin si Abalos na igagawad ang hustisya sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar na biktima ng mistaken identity sa Navotas City.

Una dito, dinisarmahan at nasa ilalim na ng restrictive custody ang nasa anim na Navotas City police officers na kinabibilangan ng isang police executive master sergeant, tatlong staff sergeants, dalawang corporals, at isang patrolman kung saan nahaharap na rin ang mga ito sa mga kasong administratibo at kriminal partikular na ang reckless imprudence resulting in homicide.

Facebook Comments