Pag-amyenda sa continuing professional development law, hiniling ng Pangulo sa Kongreso

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na amiyendahan ang batas na nire-require ang Filipino professionals na kumuha ng karagdagang formal at non-formal learning bago nila ma-renew ang kanilang lisensya at iba pang identification cards.

Sa State of the Nation Address (SONA), inihayag ni Pangulong Duterte ang kanyang pagtutol sa Continuing Professional Development Act of 2016, na iniakda ng kanyang kritiko na si dating senador Antonio Trillanes IV.

Sa panahon aniya ng pandemya, ang pag-rerequire sa mga professional na sumailalim sa seminars ay pabigat lamang.


Iginiit ng Pangulo na kailangang mahinto ang ganitong sistema.

Kaugnay nito, tiniyak ni Iligan City Representative Frederick Siao kay Pangulong Duterte na ang House Committee on Civil Service and Professional Regulation na kanyang pinamumunuan ay tututukan ang pag-amyenda sa batas.

Isinusulong ng mambabatas ang suspensyon ng CPD training sa loob ng tatlo hanggang limang taon.

Facebook Comments