Pag-amyenda sa foreign ownership ng mga public utilities sa bansa, posibleng kwestyunin ng oposisyon sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Planong kwestyunin ni Albay Rep. Edcel Lagman ang panukala para sa pagluwag ng foreign ownership sa mga public utilities sa bansa.

Sa ilalim ng House Bill 5828, nakasaad dito ang paglilinaw sa depinisyon ng public utility pero niluluwagan naman ng probisyon ng panukala ang pagmamay-ari ng mga dayuhan sa mga negosyo sa bansa.

Nilalabag ng panukala ang nakasaad sa konstitusyon na 60 Filipino ownership at 40 foreign ownership sa mga public utilities.


Giit ni Lagman, ito ay unconstitutional dahil kailangan munang amyendahan ang Saligang Batas partikular sa economic provisions upang maging ligal ang planong pagluwag sa foreign ownership.

Nagtataka si Lagman kung bakit naman nag-aapura ang Kamara sa pag-apruba sa panukala gayong pwede namang hintayin ang Charter Change para dito ipasok ang mga economic amendments.

Babala ni Lagman na makalusot man ito sa Mababang Kapulungan at tuluyang maging batas ay kukwestyunin naman nila ang constitutionality nito sa Supreme Court.

Facebook Comments