Pag-amyenda sa Human Security Act kapalit ng pag-alis sa martial law, pamba-blackmail lamang ayon sa ilang kongresista

Manila, Philippines – Tinawag na cheap blackmail ng mga kongresista ng Bayan Muna ang suhestyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na aalisin ang batas militar sa Mindanao kapalit ng pag-amyenda sa Human Security Act.

Ayon kina Bayan Muna Representative Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, pinapakagat lamang ang mga taga Mindanao sa patibong na ito na mangangahulugan ng mas marahas na sitwasyon hindi lang sa Mindanao kundi sa buong bansa.

Anila, bukod sa amyenda sa HSA ay nangyayari na rin ang militarisasyon sa mga paaralan at pagbuhay sa anti-subversion law.


Sinabi ng mga kongresista na hindi ang mga ito ang sagot sa problema sa rebelyon at terorismo sa bansa.

Pinayuhan ng mga mambabatas ang gobyerno na ang dapat gawin ay bigyang pansin ang hinaing ng mamamayan, solusyunan ang kahirapan ay ituloy ang usaping pangkapayapaan.

Facebook Comments