Pag-amyenda sa Implementing Rules and Regulations para sa free tuition fee, sinimulan na

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Commission on Higher Education ang proseso sa pag-amyenda sa isang probisyon ng Implementing Rules and Regulations o IRR sa pagpapatupad ng free tuition fee policy sa mga State Colleges and Universities.

Ayon kay CHED Commissioner Prospero De Vera, layon nitong matiyak na tanging ang mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga mag-aaral lamang ang masasakop ng nasabing programa.

Paliwanag ni De Vera, nakabatay aniya sa household income ng isang pamilya kung masasaklaw ba o hindi ng nasabing programa ang isang mag-aaral.


Bagama’t mananatiling prayoridad ang mga mag-aaral na nasa ilalim ng student financial assistance program, sinabi ng opisyal na tutukuyin nila ang simplified bracketing ng iba pang posibleng benepisyaryo ng programa.

DZXL558

Facebook Comments