Pag-amyenda sa IRR ng Magna Carta for the Poor, matatapos na

Sisikapin ng Marcos administration na maibaba sa 8.8 hanggang 9% ang poverty line sa bansa pagsapit ng taong 2028, mula sa kasalukuyang 18.1%.

Dahil dito, sinabi ni National Anti-Poverty Commission (NAPC) Lead Convenor Secretary Lope Santos III na nagsagawa sila ng pag-amyenda sa implementing rules and regulations (IRR) ng Magna Carta for the Poor.

Batay sa ginawang pag-amyenda, idinugtong na nila ang Philippine development plan ng national government sa comprehensive development plan ng Local Government Units (LGUs).


Ibig sabihin, magkatuwang silang babalangkas ng mga programa laban sa kahirapan.

Nakapaloob sa binagong IRR ang mga paraan kung papano ipatutupad ang batas, mga hakbang para mabawasan ang antas ng kahirapan gaya ng mga programang pabahay, sapat na pagkain at iba pang supplemental rights ng mahihirap.

Dagdag pa ni Santos, layunin ng pag-amyenda sa IRR na matutukan at magkaroon ng pagkakasundo-sundo ng mga anti-poverty program sa bansa.

Aniya, nasa pinal na yugto na ang kanilang Technical Working Group para sa pag-amyenda at inaasahan itong maipiprisinta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtatapos ng buwang ito upang ganap maging batas.

Facebook Comments