Pinaaamyendahan ni Senator Jinggoy Estrada ang Republic Act 10361 o Kasambahay Law.
Ito ay para mabigyan ng karampatang proteksyon ang mga employers at kanilang mga pamilya mula sa mga namamasukang domestic helper na mayroon palang criminal record.
Ayon kay Estrada, may-akda ng batas sa Senado, kinakitaan ng pangangailangan na maprotektahan ang mga employers laban sa mga may criminal record na kasambahay.
Inirerekomenda ng senador sa Senate Bill No. 456 ang pagtatatag ng mas mabigat na responsibilidad at pananagutan sa mga private employment agencies (PEAs).
Pinatitiyak dito na dapat walang criminal record ang kasambahay na kanilang tinatanggap at nirerekomenda sa mga employers.
Malinaw sa panukala ang mga pananagutang nakaatang sa PEAs at kung sakaling makagawa ng krimen ang isang kasambahay ay may kakaharapin din na pananagutan at parusa ang agency.