Pag-amyenda sa konstitusyon, hiniling na ituro na sa publiko

Manila, Philippines – Itinutulak ni Deputy Speaker Fred Castro na turuan a bigyang kaalaman ang publiko tungkol sa pag-amyenda sa konstitusyon.

Ito ay matapos lumabas sa Pulse Asia survey noong Setyembre na 2% lamang sa mga Pilipino ang may pakialam sa constitution amendments tungo sa pederalismo habang pangunahing concern naman ng mga Pilipino ang pagtaas ng bilihin, dagdag sahod at trabaho.

Ayon kay Castro, kailangan na simulan na ngayon ang massive information dissemination sa buong bansa patungkol sa pag-amyenda ng konstitusyon.


Naniniwala ang kongresista na ang mga pangunahing concerns ng publiko na lumabas sa survey ay matutugunan lamang sa ilalim ng pederalismo lalo na sa Mindanao region.

Sa ganitong paraan aniya ay mauunawaan ng publiko kung paano matutulungan ng gobyerno ang taumbayan kaugnay sa mga kinakaharap na problema sa ilalim ng pederalismo.

Facebook Comments