Maglalatag si Senator Win Gatchalian ng panukalang mag-aamyenda sa official development assistance o ODA law para magarantiyahan ang pagprayoridad sa mga manggagawang Pilipino.
Ang plano ni Gatchalian ay kasunod ng 12-bilyong dolyar na dagdag kasunduan o mga business deals na naiselyo sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Ang nabanggit na mga loan at business agreements sa China ay inaasahang magreresulta ng libu-libong trabaho na ayon kay Gatchalian ay dapat masigurong papakinabangan ng mga Pilipino.
Ipinaliwanag ni Gatchalian, na sa mga proyektong gagawin sa pamamagitan ng pag-utang sa China ay babayaran naman natin galing sa buwis ng mamamayan kaya dapat lang na mabilis din ditong makinabang ang mga manggagawang Pilipino.
Giit pa ni Gatchalian, dapat matupad ng mahigpit ang ating batas na maari lamang ibigay sa mga dayuhang manggagawa ang trabaho dito sa Pilipinas na hindi kayang gampanan o gawin ng mga Pilipino.