Pag-amyenda sa Public Service Act, daan sa mas mahusay at mababang presyo ng kuryente

38

Sa harap ng nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente kasabay ng mga rotational brownout sa gitna ng pandemya ay isinulong ni Senator Grace Poe na maamyendahan ang Public Service Act.

Giit ni Poe, ang pag-amyenda sa Public Service Act ay magbibigay-daan sa mas mahusay at mababang presyo ng mga pangunahing serbisyo na kailangan ng ating mga kababayan sa gitna ng kahirapan.


Paliwanag ni Poe, mahalagang mapanitili ang maaasahan at abot-kayang suplay ng kuryente hindi lamang sa pagsugpo sa pandemya, kung hindi maging sa ating pagbangong muli.

Ayon kay Poe, ang tag-init at paglaki ng pangangailangan sa kuryente ng taumbayan ay dapat na natantiya at nagawan ng kaukulangang solusyon.

Facebook Comments