Friday, February 20, 2026

Pag-amyenda sa rules ng Kamara kaugnay sa impeachment, natapos na

Natapos na ang pag-amyenda sa rules of procedure para sa impeachment proceedings sa ilalim ng 20th Congress at ilalatag na ito sa plenaryo para pa-aprubahan.

Inihayag ito ni House Senior Deputy Majority Leader Iloilo Rep. Lorenz Defensor na syang head ng rules rewriting committee.

Tiniyak ni Defensor na mananatiling nakabatay sa 1987 constitution ang kanilang mga patakaran habang iginagalang ang interpretasyon ng supreme court pagdating sa pagbilang ng “session days” para sa mga reklamong impeachment.

Ayon kay Defensor, mananatili pa rin sa rules ang nakasaad sa saligang batas na “fast track mode” kung saan kapag nakuha ang pag-endorso sa impeachment complaint ng “one-third” ng lahat ng mga kongresistang miyembro ng Kamara ay maari na itong idiretso sa senado para isalang sa paglilitis.

Facebook Comments