MANILA – Target ng papasok na administrasyon ni Presumptive President Rodrigo Duterte ang pag-amyenda sa Charter Change para baguhin ang porma ng pamahalaan at maisulong ang Pederalismo.Ayon sa pambato ni Duterte sa pagka-speaker na si Incoming Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, isa ito sa mga nangungunang agenda ng 17thcongress.Sa ilalim ng Federalismo, mapupunta sa estado ang lahat ng kita sa halip na ibigay sa national government para paghatian ng lahat gaya ng umiiral na sistema ngayon.Para naman kay House Speaker Sonny Belmonte, kailangan itong pag-aralan mabuti dahil hindi naman parehas ang kita ng lahat ng lokal na pamahalaan sa bansa.Naniniwala naman si Alvarez na suportado na siya ng mayorya ng mga kongresista ng 17thCongress lalo’t marami ang maglilipatan sa kanilang kampo.
Pag-Amyenda Sa Saligang Batas Para Isulong Ang Pederalismo – Isa Sa Mga Pangunahing Agenda Ng Duterte Administration
Facebook Comments