Pag-amyenda sa SIM Card Law, isinulong sa Kamara bilang solusyon sa online scamming

Isinulong ni Surigao del Sur Representative Robert Ace Barbers na maamyendahan ang SIM Registration Act para masolusyunan ang talamak na online scamming na ginagawa ng mga organized crime groups.

Mungkahi ito ni Barbers makaraang matuklasan sa pagdinig ng Kamara na ilan sa mga sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) firms ay may bulto ng SIM cards na ginagamit sa online scamming schemes.

Pangunahing tinukoy ni Barbers ang ni-raid na POGO facilities sa Bamban at Porac, Pampanga kung saan nakakuha ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) agents ng nasa ₱50,000 SIM cards.


December 27, 2022 nang maisabatas ang SIM Card Law na nag-uutos na pagpaparehistro ng lahat ng mga SIM cards.

Ang problema, ayon kay Barbers, wala namang paraan ang mga telecommunication companies na bantayan kung nagagamit sa iligal na aktibidad ang mga nakarehistrong SIM cards.

Facebook Comments